Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 katao huli sa isinagawang buybust operation ng pinagsanib na pwersa ng Pulisya sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/July 12, 2012) ---Arestado ang tatlo katao sa isinagawang buybust operation ng pinagsanib na pwersa ng Kabacan PNP at Cotabato Police Public Safety Company sa 406 Tandang Sora St., Poblacion, Kabacan alas 12:10 kahapon ng tanghali.


Kinilala ni P/Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP ang mga nahuli na sina Eduardo Jimenez alias “Tornick”, 54, may asawa at residente ng nabanggit na lugar; Junric Garcia Daut, 30, may asawa, technical Consultant ng San Miguel Food at residente ng Ricarte St., Poblacion, Kabacan at isang Erlita Naval Mactol, 40, single Mom, Secretary ng Geodetic Engr. Teodoro Camban, residente ng JC Complex, Purok 4, Brgy. Lanao, Kidapawan City.


Narekober mula sa drug den House ang isang plastic heat sealed sachet na naglalaman ng white crystalline na mas kilala sa tawag na shabu at ilang mga illegal drugs paraphernalia kagaya ng aluminum foil, lighter at iba pa.

Ngayong araw isasampa ng Kabacan PNP ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002.

Kasama ni Supt. Supiter sa nasabing operasyon ang CPPSC na pinamumunuan ni Supt. Alexander Tagum. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento