(Midsayap, North
Cotabato/July 12, 2012) ---Tiniyak ngayon ni North Cotabato 1st
District Cong. Jesus Sacdalan na nasa maayos na kalagayan ang peace and order
sa distritong kanyang nasasakupan.
Sinabi ito ng
opisyal sa mga negosyanteng kasapi ng iba’t- ibang chambers of commerce and
industry ng Midsayap, Libungan at Pigcawayan na dumalo sa ikalawang araw ng
peace and development dialogue sa tanggapan ng kongresista.
Dagdag ng opisyal,
huwag paniwalaan ang kumakalat na balitang nagkakaproblema di-umano ang peace
talks sa pagitan ng gobyerno at MILF. Iginiit nitong nasa maayos na pag- uusap
ang dalawang kampo.
Kaugnay nito ay
tinalakay din ang pagpasok ng milyong pisong investment possibilities kabilang
na ang pagkakaroon ng coconut oil mill or palm oil mill at hydropower plant sa
distrito
Ngunit kokonsultahin
muna ang mga lokal na negosyante, LGUs, at community leaders upang mapag-
usapan at mailatag ang isang komprehesibong plano kaugnay nito.
Hinikayat naman ni
Cong. Sacdalan na palakasin ang chambers of commerce and industry sa mga
natukoy na bayan upang maitaas ang kumpiyansa ng investors at maging ng
pamahalaan.(Roderick Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento