Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bayan ng Pikit, nakatanggap ng Tatlumput isang multicab at limang bagong gusali mula sa TUCP at Cotabato Provincial Office

(Pikit, North Cotabato/July 13, 2012) ---Tatlumput isang baranggay sa Pikit , North Cotabato ang nakatanggap ng tig-iisang multicab  na mula sa Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).

Sa mensahe ni Cotabato Governer Emmylou “lala” Taliño-Mendoza sa turn over ceremony ng mga nabanggit na multicab, binigyang diin nito na ang mag sasakyan ay hindi para sa pamamasyal sa mga malls at beach kundi  gagamitin ito tuwing may mga biglaang kaso gaya ng pagsugod ng pasyente sa Ospital o kung may mga pagbaha at relief operations.

Ayon naman kay TUCP regional vice pres.  Jessie Pagaran, umaasa ito na makakatulong ang mga multicab sa mga resident eng Pikit.

Nagpapasalamat naman si Mayor  Sumulong Sultan sa provincial government ng Cotabato at TUCP partylist sa supurtang ibinigay sa bayan. 

Samantala, Itinurnover din sa nabaggit na bayan ang dalawang baranggay helath stations at tatlong multi-purpose building sa baranggay Balungis, Nuguan, Balitacan, Macabual at Talitay.

Ayon kayTalitay  Barangay Chairman Sabil T. Mokamad, si Mendoza ang unang gobernadorang nakatulong sa kanilang lugar kayat nagpapasalamat ito ng buong puso. Hiniling din nito sa opisyal ang electrification o pailaw sa kanilang lugar. (Brex Bryan Nicolas)

1 komento:

  1. Malaking tulong talaga ang mga multicab. Kahit saan ka man didto sa Pilipinas ay may makikitang kang multicab. Panghanapbuhay man o pang-personal.


    Multicab for sale

    TumugonBurahin