Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Misis mula sa Kidapawan city; nirereklamo ang PAG-IBIG hinggil sa pagbawi ng titulo mula sa original na borrower ng Housing unit

(Kidapawan City/July 13, 2012) ---Agad inaksyunan ng PAG-IBIG ang reklamo ng isang Mrs. Lucilla Matundin nang bawiin nito ang ibinigay na titulo ng lupa sa isang Vicente Calayca, ang orihinal na borrower ng isang housing unit sa Phase 2 Sandawa Homes.

         
Naganap ito kahapon.
         
Ang titulo na una nang naibigay kay Calayca ay hawak na ng PAG-IBIG-Regional Office Number 12.
         
Dahil dito, nabunutan ng tinik si Matundin.
         
Gayunman, hindi ibibigay ng PAG-IBIG ang naturang titulo ng lupa, hangga’t ‘di pa nababayaran ni Matundin ang obligasyon niya kay Calayca.
         
Sinabi ni Matundin na kung may bayaran mang mangyayari, gagawin nila ito sa opisina ng PAG-IBIG.        
         
At ang mga staff na ng ahensiya ang magsisilbing testigo sa magaganap na amicable settlement. 

SA AGUSAN DEL NORTE ---UMABOT sa 20 minuto ang bakbakan sa pagitan ng Army at ng mga rebelde na naganap kahapon sa Barangay Maraiging sa bayan ng Jabonga.
         
Ayon sa report, hinaras ng di pa malamang bilang ng New Peoples’ Army o NPA ang detachment ng Army sa naturang barangay.
         
Nadamay din sa pag-atake ng NPA ang bubong ng daycare center na matatagpuan malapit sa detachment ng Army.
         
Bagamat walang naiulat na nasawi o nasugatan sa pag-atake, nag-iwan ito ng matinding takot, lalo na sa mga residente malapit sa detachment ng mga sundalo.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento