(Kabacan, North Cotabato/July 14, 2012) ---Dead
on the spot ang isang 67-anyos na negosyante matapos na pagbabarilin ng mga di
pa nakilalang mga suspek gamit ang di pa matuloy na uri ng baril sa nangyaring
pang-hohold-up sa isang tindahan sa Maria Clara Extension at Roxas St.,
Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 5:10 ngayong hapon lamang.
Kinilala ni PCI Tirso Pascual, imbestigador
ng Kabacan PNP ang biktima na si Freddie Gambalan, nasa tamang edad at
residente ng nabanggit na lugar.
Sa ngayon di pa mabatid kung magkano ang
natangay ng mga suspek sa nasabing tindahan.
Ang negosyante ay nagrerenta lamang sa
gusali na pag-mamay-ari ni Edwin Subillaga.
Sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang
imbestigasyon ng mga otoridad. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento