(Kabacan, North Cotabato/July 16, 2012) ---Sumailalim
sa isang araw na pagsasanay sa Basic Swimming & Water Rescue ang 26 na mga
Rescue volunteer ng Kabacan Incident Quick Response Team sa Waterland Resort na
nasa Brgy. Osias, Kabacan, Cotabato kahapon.
Ayon kay Kabacan Municipal Disaster Risk Reduction
Management Officer Dr. Cedric Mantawil ang nasabing training ay bahagi ng
kanilang paghahanda sa anumang sakuna na di inaasahang mangyayari.
Kung matatandaan, binuo ang nasabing MDRRMC
Kabacan noon pang May 2011 at naging functional ito nito lamang buwan ng Enero
ng kasalukuyang taon.
Sinabi ni Dr. Mantawil na ang Philippine
Disaster Risk Reduction Management Act ang batas na nagsasaad kung paano
pangangasiwaan ang pagbawas sa risgo at tutugon sa mga disaster.
Ang tanggapan ng MDRRMC Kabacan ay
nakatakdang ilipat sa dating Terminal ng Kabacan.
Kaugnay nito, panawagan ng opisyal sa mga
flood prone area partikular na sa Plang Village at Sitio Lumayong na ngayon pa
lamang ay dapat na mabigyan ang mga ito ng sapat na babala, maging alerto at
maging responsable ang bawat isa upang maiwasan ang anumang kahalintulad na
sakuna. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento