(Kabacan, North Cotabato/July 17, 2012) ---Siksikan
sa maliit na kulungan ng Kabacan lock-up cell ang mga bilanggo na nasa
kustodiya ng Kabacan PNP.
Dahilan kung bakit nagkakasakit na ngayon
ang ilang mga preso sa nasabing selda.
Karamihan sa mga sakit ng mga ito ay ang
ubo, sipon at trangkaso na mabilis namang nahahawaan ang mga kasama nilang
inmates.
Hinaing ng ilang mga bilanggo ay di umano
sila nakakatulog ng maayos dahil sa sobrang sikip na nila.
Abot na kasi sa mahigit sa sampu ang preso
sa nasabing piitan at karamihan sa mga kaso ng mga ito ay illegal drugs.
Ang iba naman ay di na hinahatdan ng pagkain
ng kanilang mga pamilya.
Ayon sa Kabacan PNP, hindi pa umano na
desisyunan ng korte ang mga kaso ng mga ito kaya di pa sila pwedeng ilipat sa
Provincial Jail o sa BJMP.
Bukod dito, apat din na mga babae ang
nakabilanggo dahil sangkot din ang mga ito sa illegal na droga. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento