(Kabacan, North Cotabato/July 16, 2012) ---Isang
araw pa lamang ang nakalipas matapos na ilunsad ang Task Force Krislam sa bayan
ng Kabacan, tila walang talab sa mga illegal traders sa lugar ang kampanya ng
mga otoridad para sugpuin ang talamak na bentahan ng illegal na droga.
Ito makaraang mahuli ng pinagsanib na pwersa
ng Kabacan PNP at Task Force Krislam sa isinagawang buybust operation kagabi
ang isang Jayson Nicolano Ankanan, 19, may asawa at residente ng Tandang Sora
St., Poblacion ng bayang ito.
Nanguna sa paghuli sa suspek si PCI Tirso
Pascual, head ng Task Force Krislam, narekober mula sa suspek ang dalawang
plastic heat sealed sachet na naglalalaman ng white crystalline na
pinaniniwalaang shabu at marked money na nagkakahalaga ng P500.00.
Sa ngayon nasa Kabacan lock-up ang salarin
habang inihahanda na ang kasong kakaharapin ng nito.
Samantala sa bayan ng Carmen, North Cotabato
---Arestado doon ang isang Mamalinug Macadaag Sarip, nasa tamang edad, may
asawa at residente ng Patani, Marawi city base sa warrant of arrest na inilabas
ng RTC Branch 6, Iligan city.
Ayon kay PCI Jordine Maribojo, matagal na
umanong nagtatago ang suspek sa nasabing bayan makaraang nahaharap ito sa
kasong murder na may Case # 06-1593.
Nanguna sa pag-aresto sa suspek ang trakers
team ng Carmen PNP na pinamumunuan ni SPO2 Flet Jacinto at ng 3rd
Manuevering Company ng PNP RPSB 12 sa ilalim ni PSI Baser Alindo. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento