Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga residente ng isang barangay sa Midsayap, nababahala sa peligrong hatid ng gumuguhong lupa sa Libungan river

(Midsayap, North Cotabato/July 19, 2012) ---Nababahala ang mga residente ng Barangay Nalin sa Midsayap, North Cotabato dahil sa tuloy- tuloy na pagguho ng pampang ng Libungan River.


Nanganganib na ring mag- collapse ang drainage canal sa lugar at dagdag pa ang banta ng pagguho sa kinatitirikang lupa ng kanilang eskwelahan at mga kabahayang malapit sa ilog.

Kaugnay nito, nagsumite na ng resolusyon ang barangay council sa DPWH at tanggapan ni North Cotabato 1st District Cong. Jesus Sacdalan upang hilinging maaksyunan ang mga problemang ito.

Ayon kay barangay kagawad Mario Villaflor, ilang mga taniman na rin ng mangga, mais at niyog ang nasira dulot ng rumaragasang daloy ng tubig mula sa Libungan river.

Ilang kabahayan at mga poste ng kuryente na rin sa lugar ang tuluyang tinangay ng ilog.

Ipinapaabot ng mga residente ang kanilang kahilingan na sa lalung madaling panahon ay ito bago pa man mahuli ang lahat. (Roderick Bautista)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento