(Kabacan, North Cotabato/July 16, 2012) ---Dead
on Arrival sa Hospital ang isang negosyante makaraang pagbabarilin sa mismong tindahan
nito ng mga di pa nakilalang mga suspek na nasa Roxas St., Poblacion, Kabacan,
Cotabato alas 5:00 ng hapon nitong Sabado.
Kinilala ni Police Chief Inspector Tirso
Pascual ng Kabacan PNP ang biktima na si Freddie Gambalan, 67-taong gulang, may
asawa at residente ng Maria. Clara Extension, Poblacion ng bayang ito.
Ayon sa Misis ng biktima na si Ferlita, dalawang
mga suspek ang nagpanggap na customer at bumili ng softdrinks habang ang isa
naman ay bumunot ng baril at nagdeklara ng hold-up.
Pero dahil sa tumangging ibigay ni Gambalan
ang demand ng mga suspek dahilan kung bakit ito binaril ng suspek.
Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa itaas
na bahagi ng kanang braso nito na naging dahilan ng agara nitong kamatayan.
Maswerte namang di tinamaan ang misis ng
biktima.
Kinuha pa ng suspek ang isang daang piso ng
biktima bago humarurot papatakas sakay sa isang kulay pula na single motorcycle
na Kawasaki HD-III na walang plate number.
Agad namang hinabol ng mga rumispondeng
pulis ang mga salarin sa Sitio Nasag, Brgy. Kilagasan subalit nakatakas na ang
mga ito pagdating sa lugar.
Ang Sitio Nasag ay kuta ng mga MILF na
pinamumunuan ni kumander Noel Pedtamanan, ayon sa report. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento