(Kabacan, North Cotabato/July 20, 2012) ---Wala
pa ring pagkakakilalan ang 21-anyos na binata na pinakahuling biktima ng
pamamril sa bayan ng kabacan.
Kaugnay nito, patuloy ngayon ang panawagan
ng mga otoridad sa mga kamag-anak at kapamilya ng biktima na pinagbabaril sa
Roxas St. Pobalcion, Kabacan, Cotabato ala 1:00 ng madaling araw kahapon.
Batay sa report ng Kabacan PNP, sinabi ni
Police Inspector Tirso Pascual na hanggang sa mga oras na ito ay di pa rin nakilala ang
biktima.
Sinabi ng opisyal na may tribal na tattoo sa
kanang binti at kanang balikat ang biktima na nakilala lang sa Pangalang Jay, ayon
sa kanyang girlfriend.
Sa paglalarawan pa ng opisyal, may taas na
5’7 ang biktima.
Nakasuot ito ng skinny na pantaloon na maong
at walang pang-itaas na damit.
Sa ngayon nakalagak ang mga labi ng biktima
sa Villa Jusa Funerral Parlor sa nasa brgy. Osias, Kabacan at hanggang sa mga
oras na ito ay wala pang-nag-ki-claim sa bangkay.
Hindi na rin makontak ng mga pulis ang
kasintahin nito.
Batay sa mga kumakalat na report, ang
biktima ay nag-ngangalang Jay na sinasabing residente umano ng Brgy. Bula,
Genral Santos city habang ang sabi naman ng iba ay nakatira ito sa bayan ng
Carmen.
Pero, ayon sa pulisya posible umanong
residente ng bayan ng M’lang, North Cotabato.
Samantala, Ang nangyaring shooting incident
kahapon ng madaling araw ay pangatlong insidente na ng pamamaril sa bayan ng
Kabacan sa loob lamang ng isang linggo.
Nabatid na pinagbabaril ala 1:00 ng madaling
araw kanina ang isang 21-anyos na binata na nakilala lang sa pangalang Jay at
walang permanenteng tirahan sa bahagi ng Roxas St., partikular malapit sa
Mariano video K Huz, Poblacion, Kabacan.
Si Jay, ay nagtamo ng tatlong
tama ng bala sa mukha.
Hindi pa matukoy ng pulisya kung
anung klaseng baril ang ginamit sa pagtumba sa biktima dahil wala naman umanong
narekober na empty shell o slug sa crime scene.
Mabilis namang isinugod ang
biktima sa Kabacan Medical Specialist subalit binawian na rin ito ng buhay bago
mag-alas 4:00 ng madaling araw kanina.
Ito na ang ikatlong kaso ng
shooting incident sa Kabacan sa loob lamang ng linggong ito.
Ang una ay isang negosyante na
si Freddie Gambalan na hinold-up muna bago pinatay sa mismong tindahan nito sa
Roxas St., at ang isa ay ang kawani ng korte na si Lorena Navaira Somera ng Kabacan Municipal Trial
Circuit Court at residente ng Barangay Bannawag, Kabacan.
Kaugnay nito, nagpapatuloy naman sa mga oras na ito ang
isinasagawang Municipal Peace and Order council Meeting upang alamin kung anu
na ang peace and order situation ng Kabacan. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento