Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 mag-aaral ng USM, binawian ng buhay dahil sa ini-indang karamdaman

(Kabacan, North Cotabato/July 18, 2012) ---Kapwa mula sa College of Agriculture ng University of Southern Mindanao main campus ang dalawang mga estudyante na namatay dahil sa malubhang karamdaman.


Ayon sa report, iginupo ng kanyang sakit na cancer of the blood o leukemia si Aljay ar Fernandez, tubong Midsayap, North Cotabato at 3rd year Agricuture --- Major in Plant Breeding and Genetics.

Si Fernandez ay binawian ng buhay habang nakaratay sa Davao Medical Center sa Davao city, kamakalawa ng gabi, ayon sa kanyang mga magulang.

Samantala, patay din sa sakit na dengue ang isa pang estudyante ng animal Science na si Rusky Belano, 19, BS Animal Husbandry, residente ng Poblacion, Matalam, Cotabato.

Nabatid na binawian ng buhay sa isang hospital sa kidapawan ang biktima habang naka-admit ito alas 2:00 ng madaling araw nitong Sabado.

Iniwan dinnito ang kanyang asawa at ang apat na buwang sanggol na anak, ayon sa report.

Kaugnay nito, umaapela ngayon ng tulong ang mga kamag-aaral ni Belano sa pamamagitan ng Office of the student affairs para matulungang maipalibing ang kanilang kaklase. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento