(Kabacan, North Cotabato/July 18, 2012) ---Kung
si Drugstores Association of the Philippines o DSAP National Director Dr.
Leoven Devilles ang tatanungin, nais umano nilang ibaba sa 5% mula sa 20% ang
discount sa mga gamot at iba pang mga produktong binibili ng mga Senior
citizens.
Ito dahil sa lugi umano ang mga maliliit na
botika sa nasabing batas.
Batay sa Republic Act 9257 o mas kilala sa
tawag na Expanded Citizens Act of 2003 mabibigyan ng abot sa dalawampung
porsientong diskwento ang mga miyembro ng Senior Citizen sa mga bibilhing gamot
at ilan pang mga basic commodities sa mga groceries store.
Kaya naman, isinagawa ang Information Forum
sa nasabing batas Kahapon sa Municpal Hall para mapag-usapan ang nasabing
problema.
Kung sa Generic Drugs, kaya umano nilang
ipatupad ito, pero pagdating sa branded na mga gamot, lugi umano ang DSAP dito,
ayon kay Dr. Devilles.
Para naman kay Nenita Sunsay, Treasurer ng
Federation of Senior Citizen ng Kabacan Chapter bagama’t okay para sa kanya ang
nasabing hakbang, nais din nilang ipaglaban ang karapatan ng mga indigent na
Senior Citizen.
Handa rin umano ang kanilang pamunuan na
isumbong sa kanilang Office of the Senior Citizen Affairs o OSCA Head ang
nasabing reklamo batay sa complaint letter ng mga Senior citizen laban sa mga
establisiementong di magpapatupad ng nasabing batas.
Maliban dito, sinabi naman ni MSWD Officer
Susan Macalipat na dapat rin umanong bigyan ng pantay-pantay at maayos na trato
ng mga Pharmacist/Sales Lady ang mga matatandang bumibili sa kanilang mga
establisiemento.
Ang nasabing pagpupulong kahapon na
isinagawa sa Municipal Hall ng Kabacan ay dinaluhan ng iba’t-ibang mga drug
stores at mga groceries store sa bayan ng Kabacan.
Nagbigay din ng kanyang mensahe si vice
Mayor Pol Dulay kaugnay sa nasabing batas, dumalo din si Municipal Local
Government Operation Officer Jasmin Musaid, MSWD Officer Susan Macalipat, mga
kasapi ng federation ng Senior Citizen Kabacan Chapter at ang DSAP. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento