Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kabacan PNP-WCPD division, nakapagtala ng anim na kaso hinggil sa VAWC sa bayan simula nakaraang buwan

(Kabacan, North Cotabato/July 19, 2012) ---Anim na mga kaso hinggil sa RA 9262 o Violence Against Women and Children o VAWC ang naitala ng Kabacan PNP mula buwan ng Hunyo hanggang sa kasalukuyan.  

                                                                          
Ito batay sa report ng Women’s Children Protection Desk ng Kabacan PNP kungsaan agad naman itong tinututukan ngayon ng Kabacan Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO.    
                         
Sa anim na kaso, tatlo dito ang naresolba habang dalawa dito nagtamo ng physical injury.         
                                                                                
Maliban dito, dalawang kaso naman ang naitala hinggil sa Violation ng R.A. 7610 o child abuse ang naisampa na sa korte. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento