(Kidapawan
City/July 19, 2012) ---Humingi na ng tulong mula sa Philippine Crocodile Farm
ang City Government at ang Department of Environment and Natural Resources o
DENR para mahanap at maibalik sa kanyang kulungan ang nakawalang buwaya.
Aminado
si Marife Pame, head ng tourism at investment promotions ng City LGU, na kapos
sa expertise sa paghuli ng buwaya ang taga-DENR at ang Kidapawan City Emergency
Response Unit o KidCeru.
Kailangan
kasi’ng pag-aralan ang galaw at ang mismong character ng buwaya.
Ang
buwaya, ayon kay Psalmer Bernalte ng KidCeru, ay nakalubog sa tubig kapag
mainit ang panahon, at nakaahon sa lupa kapag malamig ang panahon.
Noon
pang Sabado nagsimula sa paghananap ang team ni Bernalte, kasama ng mga forest
rangers, sa nawawalang buwaya.
Noong
Linggo, naispatan ito sa isang bahagi Saguing River sa Makilala, pero nang
puntahan nina Bernalte, nakawala naman ito.
Kaya’t
sa ngayon, pinag-iingat pa rin ng city LGU at ng management ng Landmark
mini-zoo ang mga tao na ‘wag munang maligo sa ilog at baka doon nagtatago ang
nawawalang buwaya na ang haba ay abot na sa walong talampakan. (MCM)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento