Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

29 na porsiento ng brgy sa bayan ng Kabacan; apektado ng sakit na Dengue ngayong 2nd quarter ng taon

(Kabacan, North Cotabato/July 17, 2012) ---Abot sa dalawampu’t siyam na porsiento ng mga brgy sa bayan ng Kabacan ang apektado ng sakit na dengue ngayong ikalawang quarter ng kasalukuyang taon.


Ayon kay Municipal Disease Surveillance Officer Honey Joy Cabellon base sa kanilang data, labin limang mga bata edad apat hanggang labin walong taong gulang ang karamihang apektado ng nasabing sakit.

Sakop nito ang buwan ng Abril hanggang buwan ng Hunyo kungsaan abot sa dalawampu’t lima ang namonitor sa nasabing sakit.

Ayon kay Cabellon, ang brgy Poblacion pa rin ang may pinakamataas na bilang kungsaan abot sa 14 na kaso ang naitala, sinundan ito ng brgy Kayaga.

Sa ngayon payo naman ni Municipal Health Officer Sofronio Edu sa mga residente na panatilihing malinis ang paligid sa loob at labas ng mga bahay. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento