Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kawani ng Korte sa Kabacan; patay sa pamamaril

(Kabacan, North Cotabato/July 18, 2012) ---Patay ang office clerk ng Regional Trial court Branch 22 Kabacan makaraang pagbabarilin ng mga riding in tandem na mga suspek sa National Highway, partikular sa harap ng 8 fortune, Rizal Avenue, Kabacan, Cotabato alas 5:37 kahapon ng hapon.


Ayon sa report ng Kabacan PNP, kinilala ni PCI Tirso Pascual ang biktima na si Lorena Somera Nabaira, nasa tamang edad, empleyado ng korte at residente ng brgy. Bannawag ng bayang ito.

Nagtamo ng iba’t-ibang tama ng bala ng kalibre .45 na pistol ang biktima batay sa mga empty shell na narekober sa crime scene.

Mabilis namang isinugod ang biktima sa Kabacan medical Specialist para mabigyan ng medikal na atensiyon, subalit ilang minuto lamang ang nakalipas ay binawian na rin ito ng buhay.

Agad namang umiskapo ang mga suspek papalayo sa di malamang direksiyon.

Inatasan na rin ni Kabacan Mayor George Tan ang mga pulisya na magsagawa ng malalimang imbestigasyon, upang alamin ang totoong motibo sa nasabing pamamaril.

Nabatid na binaril din ang ama ng biktima, na dati ring kawani ng Korte ng Kabacan, ilang taon na rin ang nakalilipas. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento