Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Supply ng kuryente na pinoproduce sa Pulangi Power Plant, muling bumaba!

(Kabacan, North Cotabato/ March 11, 2015) ---Inihayag ng National Power Corporation na muling bumaba ang Supply ng kuryente na pino-produce ngayon ng Pulangi Power Plant.

Ito ayon kay Cotelco Spokesperson Vincent Baguio sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Aniya, nasa 95Megawatts lamang ang nadedeliver ng Power Plant sa grid sa kasalukuyan kungsaan mababa ito buhat sa rated capacity ng planta na 255 megawatts habang ang dependable capacity nito ay 253megawatts, giit pa ni Baguio.

Dahil ditto, patuloy na ipinapatupad ngayon ng Cotelco ang load curtailment sa service area nila.

Aniya, isang planta pa lamang ng STEAG na 105MW ang nakabalik sa Grid at ang isa pang planta ay inaasahang babalik pa sa March 16. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento