Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Panibagong pagsabog ng IED sa bayan ng Pikit, pangalawa na ngayong linggo

By: Mark Anthony Pispis

(Pikit, Cotabato/ March 12, 2015) ---Muling binolabog ng panibagong malakas na pagsabog ng Improvised Explosive Device o IED ang bayan ng Pikit sa bahagi ng National Highway sa Sitio Village, Brgy. Batulawan dakong alas 8:00 kagabi.

Ayon sa Pikit PNP, nangyari ang pagsabog 3 kilometro lamang ang layo mula sa Pikit MPS at 100 metro mula sa Detachment ng 7th IB.


Dagdag pa ng opisyal na agad rumispunde sa lugar ang pinagsanib na pwersa ng Pikit PNP, Task Force Pikit at 7th IB at narekober sa lugar ang mga bahgi ng IED shrapnels kagaya ng mga pako, mga basag na bote at battery solution.

Wala namang naitalang nasaktan o nasugatan sa nasabing pagsabog sapagkat unpopulated naman ang lugar.

Sa ngayon patuloy pang inaalam ng mga otoridad sa kung sino man ang responsible sa nasabing insidente.

Matatandaang naitala ang unang pagsabog nitong linggo sa Sitio Buisan sa nasabi ring barangay.  

Nangyari ang mga insidente sa kabila ng pinaiigting na pinapatupad na seguridad sa lugar.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento