Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

IED, sumabog sa bayan ng Pikit, Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ March 9, 2015) ---Ginulantang ng malakas na pagsabog ang bayan ng Pikit, North Cotabato alas 9:45 kaninang umaga.

Ayon kay PInsp. Sindato KArim, hepe ng Pikit PNP ang pagsabog ay naganap sa bahagi ng Sitio Buisan, Brgy. Batulawan, Pikit, Cotabato.

Batay sa ulat, habang tinatahak ng isang Dump Truck (XCR 400) na pag-mamay-ari ni dating Kabacan Mayor George Tan na may lulang mga graba at bato ang nasabing kahabaan ng marinig ng drayber nito ang nasbaing pagsabog.

Inakala ng drayber na kinilalang si Noel Doromal ng Davao City na pumutok ang gulong ng nasabing sasakyan.

Pero ng kanyang siyasatin ay isang malakas n uri ng Improvised Explosive Device ang sumabog ilang metro lamang ang layo mula sa detachment ng mga sundalo.

Narekober sa pinangyarihan ng pagsabog ay ang ilang pako na may numero Uno, cell phone Battery, smart buddy simpack at ilang mga pumutok na bahagi ng Nokia Cell phone.

Inaalam pa ngayon ng mga otoridad kung anung grupo ang may kagagawan ng pagtanim ng nasabing bomba.

Napag-alaman na ang bayan ng Pikit ay dati ng sinalakay ng armadong BIFF na nag resulta sa pagkakalikas ng libu-libong mga residente noong buwan ng Pebrero at magkahiwalay na engkwntro ng MILF sa BIFF at opensiba ng militar sa boundary ng North Cotabato at Maguindanao laban sa nasabing pangkat ng armadong grupo. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento