Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

IED, sumabog sa bayan ng Pikit, Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ March 12, 2015) ---Muling ginulantang ng malakas na pagsabog ang ilang mag residente sa National Highway ng Sitio Village, Brgy. Batulawan, Pikit, Cotabato mag-aalas 8:00 kagabi.

Sa panayam ng DXVL News kay PInsp. Sindato Karim, hepe ng Pikit PNP na wala namang may naiulat na nasugatan o nasawi sa nasabing pagsabog ng Improvised Explosive Device o IED kahit pa man na matao ang nasabing lugar.

Ang lugar kungsaan nangyari ang pagsabog ng IED ay isangdaang metro lamang ang layo mula sa detachment ng 7th IB, PA at ng joint PNP elements at ng Task Force Pikit.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang ilang IED component kagaya ng shrapnel na concrete nails at bote ng battery solution.

Nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng Pikit PNP at ng mga sundalo sa panibago na namang pagsabog.

Matatandaan na noong Lunes ng gabi ay isa ring IED ang sumabog sa  bahagi ng Sitio Buisan, Brgy. Batulawan, Pikit, Cotabato.

Ito na ang ikalawang beses na pagpapasabog ng IED sa bayan ng Pikit sa loob ng linggong ito. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento