Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Alegasyong pambabastos ng BPAT, itinanggi ng Purok President

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ March 11, 2015) ---Wala umanong katotohanan ang paratang ng isang texter na nagpaabot ng reklamo sa himpilang DXVL Radyo ng Bayan hinggil umano sa pambabastos ng mga nakaduty na BPAT sa mga dumaan sa kanilang post sa Malvar Street, Brgy. Poblacion ng bayan ng Kabacan.

Ayon kay Malvar St. Purok President Jun Padagas na personal na nagtungo sa DXVL FM na wala umanong katotohanan ang nasabing aligasyon ng texter.

Paliwanag ng opisyal na siya mismo umanon ang nakaduty nong mga panahong iyon at kaniya lamang sinita ang isang babae na kakilala rin nila at residente din ng kanilang purok dahil lagpas na curfew hours hours at nasa labas pa ito.

Sumagot umano sa hindi maayos na paraan ang nasabing babae dahilan upang lapitan niya ito upang mapagsabihan.

Giit pa ng opisyal na ang kanila umanong ginagawang trabaho ay para narin sa kapakanan ng mga residente sa lugar, sa pagbanbantay ng kaayusan at kung meroon man silang pagkukulang ay intindihin na lamang sila.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento