Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Poblacion, Kabacan naglaan ng pondo para sa dagdag na tanod dahil sa kakulangan ng presensya ng kapulisan

By: Christine Limos

(Kabacan, Cotabato/ March 9, 2015) ---Naglaan ng pondo ang Kabacan Poblacion para sa dagdag na tanod dahil konte lang ang presensya ng kapulisan sa araw. 

Ito mismo ang inihayag ni Kabacan Poblacion Kapitan Mike Remulta sa panayam ng DXVL news.
Ito umano ang nakikitan ng mga lawless elements na dahilan upang makagawa ng krimen lalo na ang nangyayaring serye ng pamamaril.

Sinabi rin ni kapitan na konte lang ang mga pulis at ang mga tanod ay sa gabi lamang kung kaya’t pinagsikapan ng council na magkaroon ng dagdag na labindalawang tanod na mag du-duty sa araw.

Samantala sa hiwalay na panayam ng DXVL news kamakailan sinabi ni PCI Ernor Melgarejo hepe ng Kabacan PNP na ang mga nangyayaring shooting incident ay isolated case lamang at drud related umano.


Dagdag na paliwanag ng opisyal na bumaba sa ngayon ang mga nagbebenta ng droga dahil sa operation kapakap at pag chek point.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento