Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bata, patay ng mahulog sa irrigation canal

(Kabacan, North Cotabato/ March 12, 2015) ---Maagang sinalubong ni kamatayan ang dalawang taonggulang na bata makaraang mahulog sa irrigation canal sa bahagi ng Malvar St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 3:00 kahapon ng hapon.

Ayon sa isang residente na si Precy Longyapon ngmakapanayam ng DXVL Radyo ng Bayan, miyembro ng TMU Kabacan kinilala nito ang biktima na si Apple Bahay, residente ng Plang Village, Poblacion ng bayang ito.


Dakong alas 2:00 pa ng hapon kahapon ng pinaghahanap ang biktima subalit makaraang ang isang oras ay nakita na lamang ni Longyapon ang  biktima na naipit ang kalating katawan nito sa isang culvert ng irrigation.

Hanggang ngayon ay di pa rin matanggap ng pamilya ng bata ang sinapit nito.

Sinisi naman ng magulang ang nakakatandang kapatid ng bata sa sinapit ni Apple dahil sa napabayaan itong maglaro mag isa.

Nananawagan din ng tulong ang pamilya nito lalo sa LGU Kabacan para sa pagpapalibing sa biktima at ambulansiya upang maihatid ang biktima sa lalawigan ng Bukidnon kungsaan nandoon ang mga pamilya nito. Rhoderick Beñez




0 comments:

Mag-post ng isang Komento