(Pikit, North Cotabato/ March 10, 2015) ---Ginulantang
ng malakas na pagsabog ang bayan ng Pikit, North Cotabato alas 9:45 kahapon ng
umaga.
Sa panayam ng DXVL News kay PInsp. Sindato Karim, hepe ng Pikit
PNP ang pagsabog ay naganap sa bahagi ng Sitio Buisan, Brgy. Batulawan, Pikit,
Cotabato.
Batay sa ulat, habang tinatahak ng isang
Dump Truck na may plakang XCR 400 na pag-mamay-ari ni dating Kabacan Mayor
George Tan na may lulang mga graba at bato ang nasabing kahabaan ng marinig ng
drayber nito ang nasabing pagsabog.
Inakala ng drayber na kinilalang si Noel
Doromal ng Davao City na pumutok ang gulong ng nasabing sasakyan.
Pero ng kanyang siyasatin ay isang malakas
na uri ng Improvised Explosive Device ang sumabog ilang metro lamang ang layo
mula sa detachment ng mga sundalo.
Narekober sa pinangyarihan ng pagsabog ay
ang ilang pako na may numero Uno, cell phone Battery, smart buddy simpack at
ilang mga pumutok na bahagi ng Nokia Cell phone.
Inaalam pa ngayon ng mga otoridad kung anung
grupo ang may kagagawan ng pagtanim ng nasabing bomba.
Posibleng pananakot lamang ng mga grupong
nasa lugar ang motibo ng nasabing krimen, ayon pa kay Karim.
Napag-alaman na ang bayan ng Pikit ay dati
ng sinalakay ng armadong BIFF na nag resulta sa pagkakalikas ng libu-libong mga
residente noong buwan ng Pebrero at magkahiwalay na engkwntro ng MILF sa BIFF
at opensiba ng militar sa boundary ng North Cotabato at Maguindanao laban sa
mga ito.
Sinabi ni PInsp. Karim na isang daang
porsiento ng nakabalik sa kanilang mga tahanan ang mga bakwit na nagsilikas
kamakailan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento