By: Mark Anthony Pispis
(Kabacan, North
Cotabato/ March 13, 2015) ---Nakatakda nang isalang sa 3rd and final
reading ang Municipal Ordinance no. 2014-004 Series of 2014 matapos itong
pumasa sa 2nd reading sa isinagawang Sagguniang Bayan Session
kahapon.
Ayon kay Committee
on Transportation Vice Chairman Hon. Councilor Reyman Saldivar sa panayam ng
DXVL News, plantsado na umano ang nasabing ordinansa matapos ang mga serye ng
kanilang ginwang konsultasyon at pagpupulong kasama ang mga trysikad Drivers at
Operators.
Dagdag pa ng opisyal
na magiging epektibo ang nasabing batas sa susunod na taong 2016.
Sa halip na isang
beses kada isang taon ang pagkuha ng prangkisa ng mga trysikad drivers at
operators ay magiging isang beses na lamang tuwing dalawang taon.
Samantala, nagpasa
naman ng resolusyon si Hon. Councilor Rosman Mamaluba tungkol sa paghingi ng
tulong sa Provincial Government of Cotabato sa pagkakaroon ng artipisyal na
ulan o mas kilala sa tawag na cloudseeding.
Anya, ang
pangunahing layunin umano ng nasabing resolusyon ay upang iparating sa
pamahalaang panlalawigan ang kalagayan ng bayan ng Kabacan hinggil sa narasang
matinding init nitong mga nakaraang araw.
Lubos umanong
naapektuhan ang mga tanim ng mga magsasaka sa bayan dahil sa nararanasang init
at kung magpapatuloy pa ito ay kukulangin na ng suplay ng tubig ang mga
irigasyon sa bayan na ang karamihan sa mga ito ay nakakunekta sa Kabacan River.
Umaasa naman ang
opisyal na agaran itong tutugunan ng Provincial Government at nang National
Government.
Samantala nagpasa
rin ng resolusyon si Hon. Councilor Herlo Guzman Sr. sa direktiba narin ni
Mayor Herlo Guzman Jr. hinggil sa paghingi ng karagdagang ambulansya sa
Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.
Layon ng nasabing
panukala na mas mapagtuunan ng pansin ang pangangailangan ng mga mamamayan ng
Kabacan at sa mga karatig minisipalidad hinggil sa serbisyong ibinibigay ng
nasabing sasakyan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento