Mark Anthony Pispis
(Kabacan,
North Cotabato/ March 12, 2015) ---Binigyang diin ng bagong talagang hepe ng
Kabacan PNP na ang pagtutulungan ng bawat indibidwal sa komunidad ng bayan ng
Kabacan lalong lalo na ng media ang magiging susi sa pagpapanatili ng seguridad
sa bayan.
Ito
ayon kay PSupt. Gilberto Tuzon, ang bagong OIC Chief ng Kabacan PNP sa panayam
ng DXVL News.
Anya
nakikipag-ugnayan na sila ngayon sa mga course multipliers sa bayan kagaya ng
BPAT, sa Peace and Order Committee at sa pamunuan ng LGU of Kabacan sa
pangunguna ni Hon. Mayor Herlo P. Guzman Jr. upang maialign ang mga programa ng
kanilang pamunuan sa mga program nito para sa pagpapaigting at pagpapanatili ng
kaayusan sa bayan lalo na sa banta ng terorismo matapos ang nangyaring
bombscare sa Brgy. Kayaga ditto sa bayan.
Dagdag
pa ng opisyal na kanila rin umanong pagtutuunan ng pansin ang problema hinggil
sa illegal ng druga at illegal na sugal sa bayan.
Anya
biglaan umano ang pag-alis ng dating hepe sa katauhan ni PCI Ernor Melgarejo
sapagkat meroon itong importanteng dapat na mapuntahan matapos itong magsilbi
ng apat na buwan, at habang wala pang mapipiling permanenteng uupo sa posisyon
nito ay siya muna ang pansamantalang hahawak sa responsibilidad.
Si
PSupt. Tuzon ang dating Chief ng Investigation Section ng North Cotabato
Provincial Headquarters.
Nanawagan
naman ang opisyal sa lahat ng Kabaceño na makipagtulungan lalong lalo na sa
media para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bayan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento