Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ilang mga street lights sa Poblacion, Kabacan; pinutol at tinanggal ng Cotelco dahil sa utang?

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ March 9, 2015) ---Tinanggal at pinutol ng Cotabato Electric Cooperative o COTELCO ang mga street lights sa Poblacion Kabacan dahil umano sa utang ng nakaraang administrasyon ayon kay Poblacion Kapitan Mike Remulta.

Sa panayam ng DXVL news inihayag ni Kapitan Remulta na hindi siya ang nagpatanggal ng mga street lights kundi ang pamunuan mismo ng  COTELCO.

Ipinaliwanag din ni kapitan Remulta na ang dahilan ng pagtanggal at pakaka-putol ng mga street lights ay dahil sa utang umano ng nakaraang administrasyon ni Mayor Herlo Guzman Jr. na umaabot sa P668,000.00o mahigit kalahating milyon. 

Aniya siguro ay nagamit ng nakaraang administrasyon ang pera sa ibang paggagamitan kaya di ito nabayaran.

Dagdag pa ni kapitan Remulta na si Mayor Guzman at si kapitan Macaya ang may alam kung saan umano nila ginamit ang pera na para sana sa bayad ng mga street lights.

Magkakaroon din umano sila ng session sa Marso 16 at pag uusapan sa council para maibalik ang serbisyo ng kuryente. Hindi naman direktang sinabi ni kapitan kung ilan lahat ang street lights na tinanggal ng COTELCO.

Samantala, sa hiwalay na panayam ng DXVL news direktang sinagot ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. ang naturang aligasyon na ang administrasyon niya umano ang dahilan ng pagkaputol ng serbisyo ng mga street lights. 

Ipinaliwanag ni Mayor Herlo Guzman Jr. na ang utang ay i-nassume lang ng administrasyon niya bilang baranggay kapitan ng Poblacion Kabacan. Aniya, may utang na umano bagopa siya maupo bilang kapitan. Nandiyan naman daw ang mga record at tumaas umano ang flactuation rate dahilan ng pagtaas ng arrears ng kuryente.

Dagdag pa na paliwanag ni Mayor Guzman na dapat lahat ng street lights ay naka rehistro sa COTELCO at naka legal tap kung hindi umano naka legal tap ay may system loss at ang bumabayad ay ang buong mamamayan ng Kabacan.

Samantala, sinabi din ni Kapitan Mike Remulta na kung gagawa ng MOA ang kanyang administrasyon ay ibabalik din ng COTELCO ang serbisyo ng kuryente.

Inihayag naman ni Mayor Guzman na nung mag assume siya ng position bilang kapitan ng Poblacion ay kinausap niya si dating board of director Samuel Dapun upang hindi maputol ang serbisyo ng kuryente. Pinagpayuhan din ng alkalde na sana magkonsulta rin ang kasalukuyang administrasyon ng Poblacion ngayon kay board of director Dapun dahil baka makatulong rin.

May dagdag din na paliwanag ang alkalde hinggil sa utang sa COTELCO o arrears ng bayan ng Kabacan noong taong 2003 pa.

 Ipinaliwanag naman ni Kapitan Remulta na naglaan ang kanyang administrasyon sa ngayon ng pondo na seventy thousand kada buwan para pambayad ng street lights. Hinahanapan din daw umano nila ng paraan upang maibalik ang serbisyo ng kuryente.


Paliwanag naman ni Mayor Guzman na hindi makontrol ang flactuation ng kuryente. Ang importante umano ay malaman ng taong bayan ang totoo.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento