By:
Rhoderick BeƱez
(Kabacan, North Cotabato/ March 6, 2015) ---Inireklamo
ng isang magulang ang mataas na bayarin sa isang Classroom ng Kabacan Pilot
Central Elementary School ang kanilang Homeroom PTA Project na umaabot ng
P500.00 bukod pa sa Monthly due na higit sa P100.00.
Iginiit nitong, kaya nga niya pinaaral sa
pampublikong eskwelahan ang anak dahil sa mura at libre ang matrikula dito.
Ayon naman kay Armando Saldivar Jr.,
Homeroom PTA Pres. Sa KAbacan Pilot Central School na bago nila ipinatupad ang
nasabing babayarin ay napag-usapan ito sa kanilang PTA meeting at hindi lamang
ito ipinatupad ng isang guro o adviser ngmga mag-aaral kundi kasama na ditto
angmga guardian at mga magulang.
Aniya, bakit noong nagpatawag sila ng
meeting, bakit hindi tumutol ang Ginang sa naturang panukala ng mag-isang taon
na ito.
Giit pa niya na ang P500 ay proyekto na
iiwan ng batch ng mga estudyante sa kanilang eskwelahan at ang Monthly due naman
ay mapupunta dun sa maglilinis na janitor at iba pa.
Samantala, ipinaliwanag naman ni North
Cotabato Schools Division Supt. Omar Obas na ang mga babayarin sa eskwelahan ay
voluntary basis lamang.
Sa panayam ng DXVL News, sinabi ng opisyal
na ipinagbabawal ang mga guro at angmga opisyal ng paaralan na magsingil ng mga
babayarin.
Pero ang PTA, na siyang katuwang ng bawat
paaralan upang maaunlad ang mga eskwelahan ay nakadepende na sa kanila kung anu
yung kanilang pag-uusapan sa halaga na pagkakasunduan ng mga ito.
Gayunpaman, iginiit ni Obas na anumang
bayarin sa Deped ay voluntary Basis lamang.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento