Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit sa 100 mga motorsiklo, huli sa isinagawang lambat bitag ng Kabacan PNP

By: Rhoderick BeƱez


Photo Courtesy by: Kabacan PNP
(Kabacan, North Cotabato/ March 6, 2015) ---Nasa 121 na mga motorsiklo ang nahuli at ilan sa mga ito ay naka-impound pa rin sa Kabacan PNP matapos ang isinagawang joint operation ng PNP na Oplan Lambat Bitag.

Sa panayam ng DXVL News kay PCI Ernor Melgarejo, hepe ng Kabacan PNP na ang operasyon ay isinagawa nila sa mga pangunahing kalye at mga lagusan ng bayan.

Ang Lambat bitag kahapon ay pinangunahan ng Kabacan PNP at joint operation kasama ang mga tropa sa Kidapawan City, Matalam, Tulunan, Mlang at Carmen sa mobile company ng provincial office.

Sinabi din ng opisyal na isandaang dalawamput isang motorsiklo ang kanilang nahuli na may pag-labag sa iba’t-ibang batas trapiko.


Karamihan sa mga nilalabag ng mga ito ay ang kawalan ng lisensiya, walang helmet, walang kaukulang papeles at iba pa.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento