Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

KULTODA, nagpulong!

by: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ February 27, 2015) ---Paglagay ng terminal at pagmamaneho ng maayos.

Ito ang ilan lamang sa binigyang diin ni USM President Francisco Gil Garcia sa isinagawang assembly meeting ng mga tricycle drivers na inorganisa mismo ng Kabacan Unity Line Tricycle Operators and Drivers Association o KULTODA sa USM.

Ayon kay Garcia ilang mga estudyante, USM Staff at pasahero na rin ang nag paabot ng kanilang reklamo hinggil sa ilang mga tricycle operators na pumapasok sa unibersidad.


Kaya naman agad na pinulong ng KULTODA ang mga operators para agad na matugunan ang nasabing mga reklamo kasama ang kasama ang Kabacan Traffic Management Unit o TMU

Sa panayam naman ng DXVL kay TMU head Retired Col. Antonio Peralta  sinabi nitong mariin ring ipinagbabawal sa mga tricycle operators ang pagpapatugtog ng malakas sa loob ng USM dahil nakakadisturbo ito sa klase ng ilang mga estudyante.

Tinukoy rin ng opisyal ang pagpapabaya ng mga drivers sa kanilang personal hygiene na minsan ay nakakaapekto rin sa kanilang mga pasahero.

Samantala ipinahayag naman ni Peralta na mayroon na ring ordinansa ang Kabacan LGU na bawal ang mga trysikad sa loob ng USM.

Pero nilinaw naman ng opisyal na kung emergency at kung may mga pasyenteng ihahatid sa USM hospital ay ikokonsidera umano ito ng Unibersidad. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento