Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

USM ROTC UNIT, kampanteng makukuha ang kampeonato sa Regional Annual Administrative Tactical Inspection

By: Mark Anthony Pispis

(USM, Kabacan, North Cotabato/ March 5, 2015) ---Kampante ngayon ang pamunuan ng USM ROTC Unit na maibabalik ang korona ng kampeonato makaraan ang mahigit isang dekada sa Regional Annual Administrative Tactical Inspection matapos silang makakuha ng pinakamataas na puntos sa ginawang Tactical Inspection sa USM Quadrangle kahapon.

Ito ayon kay USM ROTC Unit Taining NCO Staff Sergeant Joevanie Taño sa ginawang panayam ng DXVL News, nakakuha sila 97.831% na total Score Score na siyang nangunguna ngayon.


Anya ang pinakamabigat na kanilang kalaban ay ang Sultan Kudarat State University ngunit natalo nila ito at hinihintay nalang ang resulta sa gagawing tactical inspection sa Cotabato Foundation Sceince and Technology ngayong araw.


Dagdag pa ng opisyal na mahigit isang dekada na ang nakakalipas mula ng maging kampeon ang USM ROTC Unit simula ng maging kampeon ito taong 1998, 2000 at 2002 at naging 3rd Placer pa sa National Tactical Inspection noong taon 1998 at simula noong taong 2003 ay hindi na naibalik pa.


Ang USM ROTC Unit ay natatag noong taong 1955 sa dating Mindanao Institute of Technology o mas kilala sa tawag na MIT ROTC Unit.

Nakahanda naman umano ang kanilang hanay kung sakaling sila na nga ang magiging pambato sa National Tactical Inspection ngayong taon.


Nagpasalamat naman ang opisyal sa mga estudyanteng kumuha ng ROTC para sa nakamit nitong tagumpay kasabay narin ang paganyaya sa mga incoming first year na magpapaenrol sa pamantasan na sumali sa kanilang hanay.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento