Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kampo ng BIFF nakubkob ng militar ng 6th Infantry Division sa Maguindanao

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ March 3, 2015) ---Nakubkob ng militar ng 6th Infantry Division ang pagawaan ng Improvised Explosive Device o IED ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa Brgy. Dasikil Mamasapano, Maguindanao kamakalawa ng tanghali. 

Ito ang inihayag ni 6th ID spokesperson Captain Joanne Petinglay sa panayam ng DXVL news.

Aniya, may lawak na tatlong hektarya ang kampo na pinamumunuan ni kumander Ustadz Mohammad Ali Tambako. 


Ang kampo umano ay may mga kabahayan at may walong kubo kubo na kanilang tinutulugan.

Inihayag din ng opisyal na nakumpiska sa kampo ang ibat ibang mga war materials, mga gamit sa paggawa ng IED tulad ng ammonium nitrate, mga magasin at mga bala pati na rin kasuotang militar at uniporme ng BIFF.

Samantala, sinabi din ng opisyal na tuloy tuloy ang ginagawang all out offensive operation at tumutulong din ang lahat ng stake holders hindi lamang mga kapulisan kundi sumusuporta din ang mga local executives at ibang mga grupo na lumalaban sa terorismo. 

Ang ginagawang operation umano ay sinisigurong specific ang target bago magbitaw ng artillery. Dapat umano ay focus at alam kung saan ang target.


Hindi lang daw kinakanlong ng BIFF si Basit Usman kundi talagang miyembro umano ito ng BIFF noon pang magseparate sa walong state command ang BIFF. Dagdag pa ni Cpt. Petinglay na ang ibang kasamahan nila ay sangkot sa paggawa ng bomba at pagtatanim ng IED sa Mlang, Kidapawan at Kabacan.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento