By: Christine Limos
(Kabacan, North Cotabato/ March 2,
2015) ---Nagsagawa ng all out offensive operation ang tropa ng militar ng 6th
Infantry Division laban sa grupo ng Bangsamoro Islamic freedom fighters o BIFF
noong Biyernes.
Sa panayam ng DXVL news kay Cpt.
Joanne Petinglay spokesperson ng 6th Infantry Division inihayag
nitong may namataan umanong mga armadong grupo ang mga residente kung kayat
nagsilikas ang mga ito sa boundary ng Datu Unsay Maguindanao at Datu Saudi
Ampatuan na nagdulot ng trapiko at pansamantalang pagsara ng Cotabato-Gensan
highway.
Inihayag din ng opisyal na bandang
alas tres ng hapon noong Biyernes ay nabuksan na ang nasabing Highway.
Dagdag pa ng opisyal na walang time
line kung hanggang kailan ang all out offensive operation laban sa BIFF ngunit
inihayag ni Cpt. Petinglay na nagbigay ng direktiba ang 6ID commander na si
Major General Eduardo Pangilinan na gawin ang all out offensive operation ng
habang mas maaga upang maibalik sa normal ang pamumuhay ng mga residente.
Ang naturang operation umano ay
alinsunod sa direktiba ni AFP chief General Gregorio Pio Catapang Jr.
Ipinaliwanag din ni Cpt. Petinglay na
tuloy-tuloy ang opensiba at may specific na target pa na pupuntahan ang tropa
ng AFP.
Sa pag-tantiya ng mga sundalo
nasa mahigit kumulang tatlong daan umano
ang dami ng miyembro ng armadong BIFF.
Samantala, sa pag-umpisa ng opensiba
ng military laban sa mga rebeldeng BIFF sa Maguindanao, tatlo ang naiulat na
nasugatan sa tropa ng pamahalaan at kinukumpirma naman ng pamunuan ng
Philippine Army ang ulat na anim na BIFF ang namatay.
Hindi naman makapagbigay ng pahayag
ni Captain Petinglay, ito dahil sa nililibing naman agad ng mga kasamahan
nilang BIFF ang mga namatay na miyembro nila, ayon sa ulat sa ground.
Nagsagawa na ng imbestigasyon ang
Phil Army 6th ID tungkol sa umanoy bintang sa kanila na ninakawan ng ilang
sundalo na nagsagawa ng operasyon sa Datu Unsay Maguindanao ang ilang mga bahay
doon.
Sinabi ni 6th ID DPAO Chief Captain
Joanne Petinglay na lumalabas na hindi totoong ninakawan ng mga sundalo ang mga
naiwang mga bahay sa bayan ng Datu Unsay matapos umalis ang mga ito sa lugar.
Sa isinagawang imbestigasyon ng
militar, unang lumikas ang mga residente ng Datu Unsay matapos makita ang
presensya ng grupong Bangsamoro Islamic Freedon Fighters o BIFF bago paman naka
rating doon ang militar.
Ayon kay Petinglay, nakausap nila
kahapon ang baranggay officials sa lugar at sinasabing hindi naman sundalo ang
kanilang pinagbebentangan sa nangyari.
Hawak ngayon ng militar ang
certificate na pirmado ng mga barangay officials at ilang residente na
nagsasabing hindi sila ang nagbentang na sundalo- at mga sundalo ang nagnakaw
sa kanilang mga gamit.
Nangyari umano ang insidnte matapos
tuluyang isinagawa ng Joint Task Force Philippine National Police at AFP ang
All out offensive opeation laban sa BIFF.
Una rito ilan sa mga inilikas na
residente mula sa Datu Unsay ang bumalik na sa kani-kanilang bahay pero wala na
ang ilan sa kanilang mga personal na gamit, produktong petrolyo, grocery items
at mga alagang hayop at sundalo ang kanilang pinagbibintangan.
Sa ngayon patuloy na naka alerto ang
buong tropa ng militar laban sa BIFF.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento