By: Christine Limos
Nasunog ang isang
sabungan sa Matalam, North Cotabato kamakalawa ng gabi.
Sa panayam ng DXVL
news inihayag ni Fire Inspector Narleap Nabor ng Matalam BFP na posibleng
naiwan na cigarette but ng mga sumabong ang sanhi ng sunog.
Ayon sa kanilang
imbestigasyon ay nasa non index fire level lamang ang nangyaring sunog dahil
hindi umabot sa limang libo ang danyos nito.
Ang mahalaga umano ay nakapag
report kaagad ang mga mamamayan kung kayat narespondehan kaagad ang sunog.
Sinabi din ng opisyal
na ang Buwan ng Marso ang pinaka mainit na buwan sa buong taon kung kaya’t ito
ang ginawang Fire Prevention Month dahil ito umano ang buwan na may
pinakamaraming sunog na nagaganap.
Ipinaliwanag din niya na tinatawag na non
index fire level ang isang sunog kung di umabot sa sampung libo ang danyos.
Dagdag pa ng opisyal
na may mga programa silang ginagawa ngayong Fire Prevention Month tulad ng
pagsasagawa ng fire prevention lectures sa mga paaralan, opisina tulad ng
COTELCO, paglulunsad ng fire drill, search and rescue training at rekorida sa
bayan ng Matalam.
Sumusuporta din daw umano ang mga establishment, hospital at
ang Matalam LGU sa tulong ng local disaster office at provincial disaster
office.
Inihayag din ni
FInsp. Nabor na dalawa ang fire truck ng Matalam at madalas na nakakaresponde
ang Matalam sa mga sunog sa karatig bayan tulad ng Kidapawan at Kabacan.
Aniya aktibo ang
Matalam fire volunteers dahil naglaan umano si Matalam Mayor Oscar Valdevieso
ng pondo sa training ng mga baranggay fire volunteers. Ipinagmalaki din ni
Nabor na nag champion sa 1st Gov.Lala Taliño Mendoza Fire Fighting Combat
Challenge ng nakaraang taon ang Poblacion Matalam Fire brigade.
Nagpa alala din si
FInsp. Narleap Nabor na dapat isipin na everyday is fire prevention day at
dapat tandaan ang tatlong elemento ng sunog ang hangin, fuel o panggatong
at ang source ng ignition o init.
VC: FInsp. Narleap Nabor 4
Ang tinig ni Matalam
Fire Inspector Narleap Nabor.
Samantala, inanyayahan
din ni Nabor ang mga mamamayan na magtungo sa opisina ng local na fire station
upang dumalo sa mga seminar at lecture na isinasagawa nila ngayong fire
prevention month.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento