by: Brex Bryan Nicolas
(Tupi, South Cotabato/ March 4, 2015) --- Maari
nang makapag aral ang mga mahihirap na anak ng magsasaka na gustong kumuha ng
kursong agriculture sa bansa sa ilalalim ng scholarship ng TESDA at Committee
on Agriculture and Food sa pamumuno ni Senator Cynthia Villar, ang chairman ng
nabanggit na committee sa Senado.
Ginawa ng opisyal ang pahayag sa isang
ambush interview sa kasagsagan ng programa hinggil sa isinagawang turn over
ceremony ng farm mechanization na isinagawa sa Tupi Seed Farm, Bololmala sa
bayan ng Tupi, South Cotabato kahapon.
Sinabi ng opisyal na para maka-avail ng
nasabing programa sumulat lang umano sa kanyang opisina o makipag ugnayan sa
Department of Agriculture o sa mga gobernador ng bawat probinsya para maka
avail ng nabanggit na scholarship.
Ayon sa senadora, napakaraming bakanteng
slots ngayon dahil hindi alam ng marami na may pondong nilalaan rito ang
pambansang pamahalaan. Kaya nararapat umanong i avail ito ng mga kabataan upang
hindi maalis sa budget sa susunod na taon.
Kung iisipin sa 50, 000 scholarship slots,
600 na studyante ang maaring maging benepisyaryo nito sa bawat lalawigan ng
bansa.
Ang maswerte namang makakapasok sa nabanggit
na scholarship ay bibigyan ng komite ng P 12, 000 kada semester.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento