Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Tricycle na ninakaw sa Bayan ng Kabacan, narekober sa Columbio, Sultan Kukarat

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ February 27, 2015) ---Narekober ang ninakaw na trycicle sa bayan ng Kabacan at kalaboso rin ang responsable sa Bayan ng Columbio, Sultan Kudarat kahapon.

Ayon kay PCI Ernor Melgarejo sa Panayam ng DXVL News, kinialala nito ang suspek na isang Kamaru Pututan na residente ng Datu Paglas, lalawigan ng Maguindanao.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na dinala umano ng suspek ang sasakyan sa bahay ng asawa nito sa nasabing bayan.


Dagdag pa ng opisyal na nakatanggap umano sila ng impormasyon mula sa Columbio Municipal Police Station na meroong narekober ang mga Brgy. Officials ng Brgy. Nasak sa bayan ng Columbio na kahinahinalang trycicle na kulay kahel o orange.

 Patung-patong na kaso ang kakaharapin ng suspek matapos itong sampahan ng illegal position of Fire-arms ng Columbio PNP at kasong carnapping ng Kabacan PNP.

Sa ngayon ay naiturn over na sa may-ari ang nasabing sasakyan at nasa kustodiya ng Columbio MPS ang suspek at naghihimas ng malamig na rehas na bakal.

Matatandaang naiulat din ditto sa himpilan ang pagnakaw ng nasabing trycicle sa harapan ng Anulao Hospital noong araw ng lunes February 23.
Nakaparada lang umano ito at pagkaraan ng ilang sandali ay bigla na lang nawawawala.


Nagpasalamat naman ang opisyal sa tulong ng LGU ng Kabacan sa gastusin sa pagkuha ng nasabing sasakyan na isa sa mga liblib na Brgy. ng nasabing bayan.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento