(Kabacan, North Cotabato/ March 5, 2015) ---Umaabot
na sa mahigit sa Siyam na libung pamilya ang mga nasa evacuation center pa rin
dahil sa nagpapatuloy na focused military operation sa ilang bahagi ng
Maguindanao.
Ito ayon kay 6th Infantry
(Kampilan) Division Philippine Army Public
Affairs Chief Captain Jo-Ann Petinglay sa panayam ng DXVL News.
Sinabi ng opisyal na ang naturang datos ay
buhat sa ARMM-HEART.
Kahapon, dumating na ang Task Force Kalinga buhat
sa Higher Headquarters ng AFP upang magsagawa ng Medical and Dental Mission sa
mga bakwit na pinangyarihan ng operasyon ng sundalo laban sa Bangsamoro Islamic
Freedom Fighters o BIFF.
Sa ngayon patuloy ang ginagawang opensiba ng
militar at dahil sa focused military operation ito, naghahanap muna ng specific
na target ang tropa ng pamahalaan bago magsagawa ng opensiba.
Samantala, nadiskubre naman ng mga sundalo
ang isang lugar kungsaan nagtatago ang mga pangkat ng BIFF sa Sitio Talapan,
Brgy. Kitango, Datu Saudi, Ampatuan, Maguindanao matapos ang isinagawang all
out offensive ng sundalo nitong Biyernes.
Sinabi sa DXVL News ni Petinglay na hindi
ito kampo kundi lugar kungsaan nagtago lamang ang mga BIFF.
Kabilang sa mga narekober ay ang baril,
tripods ng caliber .50 machine guns, atenna ng handheld radio, wire, ilang
subersibong dokumento at iba pa. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento