(North Cotabato/ February 28, 2015)
---Naglunsad na ng all-out offensive operation ang Armed Forces of the
Philippines laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Ayon kay AFP Chief Gen. Gregorio Pio
Catapang, nais nilang bigyang proteksyon ang komunidad sa Central Mindanao
laban sa pag-atake ng BIFF sa ilang bahagi ng Maguindanao at North Cotabato.
Una rito, naghamon ng rematch laban
sa tropa ng pamahalaan ang BIFF sa pamamagitan ng spokesperson nitong si Abu
Misry Mama bago umano ibalik ang aniya’y nasa sampung mga armas na nasamsam
nila sa Special Action Force (SAF) na nakabakbakan din nila sa Mamasapano,
Maguindanao.
Nitong linggo ay inianunsyo ng mga
opisyal na tinatayang nasa 20 hanggang 30 BIFF ang napaslang sa ‘military
bombardment‘sa pinagkukutaan ng BIFF sa Maguindanao.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento