(North Cotabato/ February 27, 2015)
---Kamatayan ang sumalubong sa isang mataas na opisyal ng Autonomous Region in
Muslim Mindanao (ARMM) nang ito'y barilin sa lungsod ng Cotabato.
Kinilala ni Cotabato City Police Director
S/Supt Rolen Balquin na si Norodin Manalao-Executive Director ng Regional
Reconcialation and Unification Council (RRUC-ARMM).
Batay sa ulat, nilapitan ng
nag-iisang suspek ang biktima habang sakay ito ng kanyang Pajero at naghihintay
sa kanyang asawa sa Mega market.
Naisugod pa ang biktima sa Cotabato
Emergency Specialist Hospital ngunit hindi na ito umabot ng buhay.
Nagtamo ang biktima ng 11 tama ng
bala sa kanyang tagiliran na tumagos sa kanyang dibdib na naging dahilan nang
pagkasawi nito.
Lubos namang ikinalungkot ni ARMM Gov
Mujiv Hataman ang sinapit ni Director Manalao.
Kilala si Manalao na taga-sulong ng
kapayapaan sa rehiyon sa pamamagitan na rin ng pag-aayos ng mga rido o away
pamilya. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento