(Kabacan, North Cotabato/ March 5, 2015) ---Pabor
si North Cotabato 3rd District Congressman Ping-ping Tejada na
amyemdahan ang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Ito ang sinabi ng opisyal sa eksklusibong
panayam sa kanya ng DXVL News.
Aniya, bilang isang institusyon, ang
kongreso ay inaasahang magpapasa ng batas na tumatalima sa Konstitusyon.
Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos na
magpalabas kahapon ang Malakanyang ng pahayag na hindi nito kokontrolin ang
desisyon ng Mambabatas na amyendahan ang ilang mga probisyon ng BBL.
Partikular na dito ang pagkakaroon ng
sariling police force at constitutional body na ayon sa mambabatas ay labag sa
konstitusyon.
Sinabi ng mambabatas na bago pa man nangyari
ang ‘Mamasapano Clash’ ay patuloy na ang deliberasyon sa kongreso ng nasabing
panukalangbatas.
May mga mga ginagawang pag-amyenda at pagbabago
sa hearing ng BBL at tinitiyak ng mga ito na sumusunod sa konstitusyon ang
lahat ng nakakapaloob sa Bangsamoro Basic Law. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento