By: Roderick Bautista
(Midsayap, North Cotabato/ March 6, 2015)
---Natanggap na kamakailan ng 23 Self- Employment Assistance for Kaunlaran o
SEA- K Associations ang tulong pangkabuhayan mula sa gobyerno.
Nagmula ang nasabing livelihood assistance sa
Department of Social Welfare and Development o DSWD Regional Office XII sa Koronadal
City sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program o SLP.
Abot sa P3.45 Milyon ang kabuuang halaga ng
tulong pangkabuhayan na natanggap ng SEA- K Associations na nasa mga bayan ng
Midsayap, Alamada, Aleosan, Pigcawayan at Libungan.
Bawat asosasyon ay tumanggap ng tig- 150
thousand pesos na capital seed fund.
Batay sa proposals ng iba't- ibang SEA-K
Associations na binubuo ng mga grupo ng magsasaka at kababaihan, gagamitin nila
ang livelihood assistance bilang kapital sa sisimulang maliliit na negosyo
tulad ng livestock production, sari- sari stores, at community gardening.
Pinaalalahanan naman ni SLP Focal Person
North Cotabato Ramil Tamama ang mga asosasyon na ugaliing makipag- ugnayan sa
DSWD-SLP coordinators kaugnay ng ib apang mga proseso ng program
implementation.
Nakamonitor din ang First Congressional
District Office upang masigurong maayos na naipapatupad sa mga komunidad ang
nasabing programa.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento