by: Christine Limos
(Kabacan, North
cotabato/ February 27, 2015) ---Matatagpuan sa University of Southern Mindanao Agricultural Research Center sa USM Main Campus, Kabacan, Cotabato ang ilang taniman ng Turmeric Rhizomes o luyang dilaw na mabisang gamot sa ibat ibang
sakit.
Sa panayam ng DXVL News inihayag ni Dr. Naomi Tangonan, isang scientist, Plant Pathologist at dating University Prof. ng Pamantasan na
nakapag-ani na sila ng luyang dilaw.
Ang luyang dilaw na
may scientific name na Curcuma longa Linn. ay may katangi-tangi amoy at
ginagamit bilang pampasarap ng pagkain.
Dagdag pa ni
Tangonan na ang tubers umano nito ay puwede gawing tsaa.
Ang luyang dilaw umano
ay malakas na anti-cancer, may substance na nakakatulong sa braincells. Mabisa
din umano itong gamot sa may asthma, nakakatulong sa stress at sa may problema
sa digestion o pagtunaw ng pagkain.
Hinihikayat din daw
umano ngayon ang pag gamit ng natural herbal non synthetic non chemical na
gamot. Ang luyang dilaw umano ay nakaka gaan ng pakiramdam, anti-depressant, anti-inflammatory at mabisang gamot sa rayuma, pananakit ng kasukasuan o joints
tulad ng gout.
Ina-anyayahan din ni
Tangonan ang mga interesadong gumamit ng luyang dilaw na pumunta lang sa USMARC
USM upang makabili ng mas murang luyang dilaw sa plant pathology research
laboratory. May kunting fund raising ang mga empleyado dahil hindi umano madali
ang pag harvest ng luyang dilaw. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento