Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Sekyu tumba sa mga kawatan

(North Cotabato/ March 5, 2015) ---- Maagang sinalubong ni kamatayan ang 56-anyos na guwardiya matapos pagtulungang hampasin ng mga kawatan na nanloob sa binabantayang bodega ng mga gloves ng golf na pag-aari ng Koreano sa Purok Bonifacio, Barangay Concepcion sa Koronadal City kahapon ng mada­ling araw. 

Kinilala ang napatay na si Gene “Jun” Calderon ng Super Village sa Barangay Zone 3.
Lumilitaw sa pagsisiyasat na pinapasok ng guwardiya ang mga suspek dahil kilala niya ang mga ito.

Subalit biglang hinampas ng mga suspek ang guwardiya ng makailang beses kaya natuluyang namatay. 

Sugatan naman ang sekretarya ng nasabing pabrika matapos itong hampasin sa mukha. Inaalam pa ng pulisya ang halaga na nilimas ng mga kawatan. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento