By: Mark Anthony Pispis
(USM, Kabacan, North Cotabato/ March
5, 2015) ---Nakatakdang isagawa ang Information Drive and Seminar on Improvised
Explosive Device (IED) para sa mga estudyante at mga empleyado ng University of
Southern Mindanao sa USM Gymnassium ngayong araw.
Sa kalatas na ipinarating ni Office
of the Student Affairs Director Dr. Nicolas Turnos, magsisimula ang nasabing
aktibidad sa morning session, alas 7:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng
tanghali na dadaluhan ng lahat ng first year at mga empleyado na bakante sa
umaga ngunit magkakaroon naman ng klase ang mga 2nd year hanggang 6th
year students.
Susunod ay ang afternoon session ala
1:00 hanggang ala 5:00 ng hapun na dadaluhan ng 2nd-6th
year students at mga empleyadong bakante sa hapon at babalik din ang klase ng
lahat ng 1st year sa nasabing oras.
Ang attendance ng bawat estudyante ay
imomonitor at itsetsek ng OSA at University Guidance Centers at ang attendance
naman ng mga empleyado ay imomonitor ng HRMD office.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento