Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagpapaaga ng enrolment sa USM, ipinaliwanag ni USM President Garcia; Graduation sa pamantasan mauurong sa April 11, 2015

(USM, Kabacan, Cotabato/ February 27, 2015) ---Ipinaliwanag ng pamunuan ng University of Southern Mindanao ang pagpapaaga ng enrollment sa susunod School Year 2015-2016.

Ayon kay USM President Dr. Francisco Gil N. Garcia sa panayam ng DXVL News ito ay para narin sa kabutihan ng mga estudyante lalong lalo na sa mga incoming first year.

Aniya sa mga nakaraang taon ay umaabot umano hanggang buwan ng Mayo ang enrollment sa pamantasan na kung saan ay umaabot na hanggang buwan ng Hunyo ang paghahanap ng mga guro para sa mga klase ng mag-aaral na nagiging dahilan ng pagkaantala ng ibang klase sapagkat wala pang nahahanap na guro na magtuturo at ang mga estudyante din ang nalulugi sa ganitong sistema.

Malaki din umano ang tulong ng pagpapaaga ng enrollment upang malaman ng mas maaga ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral na mag e-enroll sa susunod na taon at mas mapagtuunan nang pansin ang mga pangangailangan ng mga ito.


Samantala sa iba pang balita ay mauurong umano ang skedyul ng graduation ng pamantasan ngayong taon matapos itong matuon sa Sabado de Glorya dagdag pa ng presidente.

Sa halip na sa April 4 ay mauurong ito sa Abril 11 taong kasalukuyan.

Binigyang diin ng opisyal na bagamat nagkaroon ng pag urong sa ekedyul ng enrollment sa pamantasan ay kailangan parin umanong asikasuhin ng mga graduating students ang mga kinakailangan upang masali sila sa listahan at mabasa ang kanilang pangalan sa gagawing Academic Council Meeting sa Mach 14 at pagkatapos nito ang Board of Regents Meeting sa darating na March 20 sa susunod na buwan. Christine Limos

0 comments:

Mag-post ng isang Komento