Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Riding Tandem, patay sa pamamaril ng riding tandem criminals

(Kabacan, North cotabato/ December 11, 2015) ---Patay ang isang 50-anyos na lalaki ng pagbabarilin sa bahagi ng Sitio Lumayong, Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato pasado alas 4:00 ngayong hapon lamang. Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Adin Macainas Manto, 50-anyos, taga Brgy. Manili sa bayan ng Carmen. Batay sa ulat, naka-angkas ang biktima sa kanilang motorsiklo na minamaneho ng kanyang anak na kinilalang...

Pagkumpuni ng pinabagsak na Tower ng NGCP, posibleng aabutin pa ng ilang araw

(North Cotabato/ December 11, 2015) ---Pinasabog ng mga di pa nakilalang mga suspek ang tower ng National  Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Sitio 1, Brgy. Pagangan sa bayan ng Aleosan lalawigan ng North Cotabato pasado alas 9:00 kagabi. Sa panayam ng DXVL News Radyo ng Bayan ngayong hapon kay PSI Jun Jinette Napat, hepe ng Aleosan PNP na partikular na pinasabog ang tower KS 68. Napag-alaman na ito na ang pang-11 pagpapasabog...

Mahigit sa 50 mga pamilya, hindi pa nakabalik sa kanilang tahanan matapos na maapektuhan sa nangyaring girian sa Tulunan, North Cotabato

(Tulunan, North Cotabato/ December 10, 2015) ---Nasa 56 na mga pamilya ngayon ang apektado ng nagdaang tensiyon sa Sitio Saban, Barangay Maybula, Tulunan, North Cotabato ang hindi pa nakabalik sa kanilang tahanan. Ito ang sinabi sa DXVL News Radyo ng Bayan ni Tulunan Mayor Lanie Candolada. Ang nasabing mga bakwit ay pansamantalang nanunuluyan ngayon sa Brgy. Hall ng brgy. Kanibon...

Armadong grupo at magsasaka muling nagka-engkwentro sa Tulunan, North Cotabato; 6 patay

(Tulunan, North Cotabato/ December 9, 2015) ---Anim katao ang naiulat na namatay makaraang magkasagupa ang dalawang armadong grupo ng magsasaka sa Sitio Saban, Brgy. Maybula sa bayan ng Tulunan, North Cotabato kahapon ng umaga. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Bernard Tayong, tagapagsalita ng cotabato Police Provincial Office, dakong alas-11:45 ng umaga nang lusubin ng mga armadong grupo ang pamayanan ng mga magsasaka na abala sa pagtatanim...

Mga listahan ng ipinagbabawal na paputok, inilabas na ng BFP Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ December 8, 2015) ---Muling naglabas ang BFP Kabacan ng listahan ng mga ipinagbabawal na mga paputok ngayong pasko at bagong taon. Ayon kay SFO1 Sunny Tomas, OIC ng BFP Kabacan na kabilang sa mga ipinagababawal na paputok ay ang mga sumusunod nangunguna parin ang watusi at piccolo, sumunod ang super lolo, atomic triangle, large judas belt, large bawang, pillbox, boga, goodbye Philippines, bin laden, mother rockets,...

Punerarya sa bayan ng Matalam, grinanada!

(Matalam, North Cotabato/ December 8, 2015) ---Isang granada ang sumabog makaraang ihagis ng mga di pa nakilalang suspek sa Collado Funeral Home sa bahagi ng Rotunda o roundball, na nasa National Highway, Poblacion, Matalam, North Cotabato ala 1:25 ng madaling araw kanina. Sa impormasyong ipinarating ngayong umaga sa DXVL News ni SPO2 Froilan Gravidez, head ng operation ng Matalam PNP na tatlo ang nasugatan sa nasabing pagpapasabo...

14 na medalya, nasungkit ng delagado ng Cotabato sa Batang Pinoy 2015 National Games

(North Cotabato/ December 7, 2015) ---Abot sa 14 ang kabuuang bilang ng mga medalya na nasungkit ng mga atleta mula sa Cotabato Province sa katatapos lamang na National Games ng Batang Pinoy 2015 sa Cebu City Sports Complex, Cebu City mula Nov. 27-Dec 2, 2015. Ayon kay Allan Matullano, Focal Person ng Cot Provincial Sports Coordinating Office, kabilang ang 1 gold, 2 silver at 2 bronze sa Karatedo; 1 gold sa Athletics-High Jump; 1 silver sa...

Collector ng furniture, pinaslang!

(Arakan, North Cotabato/ December 7, 2015) ---Nakahandusay at wala nang buhay ang isang collector ng matagpuan ng mga residente matapos itong pagbabarilin sa Sitio Katindu, brgy. Malibatuan, Arakan, North Cotabato kahapon ng umaga. Sa impormasyong ipinarating ni PCI Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office kinilala ang biktima na si Dante Mara-Mara Pradera, 27-anyos na taga Purok Felomina, Calumpang General Santos...

Love Triangle, isa sa anggulong sinusundan sa panibagong pamamaril sa Kabacan

(Kabacan, North cotabato/ December 7, 2015) ---Problema sa buhay pag-ibig ang sinusundang motibo ng Kabacan PNP sa pagpaslang sa isang lalaki habang kritikal naman ang kasama nitong babae matapos itong pagbabarilin sa Corner Roxas at Mantawil Street, Poblacion, Kabacan, North Cotabato alas 10:00 kagabi. Sa impormasyong ipinarating sa DXVL News ni P/Sr. Ins. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP kinilala nito ang nasawing biktima na si Loloy Sumalpong...