Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Nat'l Highway ng Kabacan, binalot ng bomb scare

(Kabacan, North Cotabato/ August 1, 2015) ---Nag-negatibo sa anumang uri ng pampasabog ang suspected baggage na naiwan sa harap ng 3F Fortune na nasa National Highway, Poblacion, Kabacan, North Cotabato kaninang umaga.

Ito ayon kay PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP matapos na pinaputok ng EOD team ang nasabing baggage na isang cellophane na pinaniniwalaang basura at may lamang bote.

P2M, inilaang pondo para sa Timpupo Festival ng Kidapawan City

(Kidapawan city/ July 31, 2015) ---Abot sa P2 Milyong piso ang inilaang pondo ng Pamahalaang Lokal ng lungsod ng Kidapawan para sa nalalapit na Timpupo Festival ngayong taon.

Ito ang inihayag ni City Mayor Joseph Evangelista sa isinagawang pulong pambalitaan sa AJ Hi-time, Kidapawan City kaninang umaga.

Ayon sa alkalde, kanyang ibinalik ang nasabing festival matapos ang ilang taon na hindi naipagdiriwang ito.

2 pulis sa Kidapawan city, nagpositibo sa drug test

(Kidapawan City/ July 31, 2015) ---Dalawang pulis ang naiulat na nagpositibo sa isinagawang drug test sa mga miyembro ng Kidapawan City PNP.

Ito ayon kay Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista sa isinagawang press conference ngayong umaga sa AJ-Hi-time Kidapawan City.

Hindi muna pinangalanan ng alkalde ang dalawang pulis na ngayon ay patuloy na iniimbestigahan.

Una na ring pinasisibak sa kanyang pwesto ng pinuno ng city peace and order council (CPOC) ang isang pulis mataos magbigay ng pekeng urine sample para sa mandatory drug testing.

Magsasaka patay sa pananambang sa Tulunan, North Cotabato

(Tulunan, North Cotabato/ July 30, 2015) ---Patay ang isang magsasaka matapos tambangan ng mga armadong kalalakihan sa Sitio Malipayon, Brgy. Maybula, Tulunan North Cotabato pasado alas sais ng umaga kahapon.

Kinilala ni Ins. Rolando Dillera, hepe ng Tulunan PNP ang biktima na si Regie Alinsugay, 32-anyos may asawa na residente rin nabanggit na lugar.

Ayon kay Dillera naglalakad lamang ang biktima papunta sa kanyang sinasakang lupa pero pagdating nito sa bahagi ng LOT # 159 bigla na lamang lumabas ang limang mga suspek at pinagababaril ang biktma gamit ang matataas na kalibre ng armas.

Kasong infanticide, kakaharapin ng inang nagtapon ng fetus sa ilog ng Mlang, North Cotabato

(Mlang, North Cotabato/ July 30, 2015) ---Inilibing na ng otoridad ang limang buwang fetus na nakita nakita ng mga residente na palutang-lutang sa ilog sa Brgy Dugong, Mlang Cotabato

Sinabi ni PSI Jonameel Tonacao, hepe ng Mlang PNP, halos kumpleto na ang bahagi ng katawan ng babaeng fetus nang matagpuan ito.

Agad nilang inilibing ang nasabing fetus sapagkat nasa state of decomposition na ito ng makita.

Hinala ng pulisya na posibleng ipina-abort ang bata.

Suspek na pumatay sa lolo sa loob ng internet café, tukoy na!

(Magpet, North Cotabato/ July 30, 2015) ---Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa pagpatay sa isang lolo sa loob ng internet café sa palengke ng Poblacion, Magpet, North Cotabato kahapon.

Sinabi ni PSI Felix Fornan, hepe ng Magpet PNP, na robbery ang isa sa mg angulong sinusundan nila matapos na matangay ang ilang mga gamit at pera ng 60-anyos na si Isidro Vesillas Alpas.

Mag-aaral ng Greenfield NHS-Arakan wagi sa PGO-DRRM Extemporaneous Speech Contest

AMAS, Kidapawan City (July 30) – Nasungkit ni Kezia Esther T. Abal ng Greenfield  High School ng Arakan, Cotabato ang First Place sa katatapos lamang na Disaster Risk Reduction and Management Extemporaneous Speech Contest ng Provincial Governor’s Office na isinagawa kahapon, July 29, 2015.

Tinalo ni Abal ang anim na iba pang high-school students na lumahok sa aktibidad na naglalayong palakasin pa ang disaster awareness at preparedness sa hanay ng mga mag-aaral at kabataan.

Kabacan PNP, nakiisa sa pagdiriwang ng “National Disaster Consciousness Month” at Police Community Relation’s Month

(Kabacan, North Cotabato/ July 29, 2015) ---Nagsagawa ng Disaster Preparedness and Awareness Seminar ang Kabacan PNP sa mga estudyante ng Kabacan National High School na kamakalawa.

Sa panayam ng DXVL News Team kay PO2 Amie Lou Bacanto ng Kabacan PNP Police Community Relation, ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng PI Maxim Peralta ang head ng Operation ng Kabacan PNP.

Samantala, inihayag din ng opisyal ginawang clean up drive sa isang kweba sa Brgy.

68th Founding Anniversary ng bayan ng Kabacan, kaabang-abang – Mayor Guzman

(Kabacan, North Cotabato/ July 30, 2015) ---Puspusan na ngayon ang paghahanda ng LGU ng bayan ng Kabacan hinggil sa paparating na ika-68 taong pagkakatatag ng bayan.

Ayon kay Kabacan Mayor Herlo P. Guzman Jr. sa panayam ng DXVL News Team, kanyang inihayag na kaabang-abang umano ang selebrasyon ngayong taon.

Anya, tampok umano sa nasabing aktibidad ang pagdating ng ilang mga artista na sina Jessica Parkwer, Jordan Herrera at Aaron Villaflor.

Aabangan din umano ng mga kabataan sa anibersaryo ang pagdating ng bandang “CUESHE”.

Marami rin umano nakahilerang aktibidad na gagawin sa nasabing selebrasyon kaya na laman ng Burn d Floor (Hiphop Dance Competition) Motocross Competition, Teacher’s Day, Barangay Day at marami pang iba na siguradong ikalulugod ng mga manunuod.

Mahigit 7K na mag-aaral sa Kabacan, sumailalim sa National Deworming Day

(Kabacan, North cotabato/ July 30, 2015) ---Abot sa mahigit sa pitong libung mga mag-aaral sa bayan ng Kabacan ang sumailalim sa isinagawang National School Deworming Day kahapon.

Ayon kay Cotabato Division Nurse Joselito David Tabanay, RN layon ng nasabing programa na mababain kung di man tuluyang mapuksa ang mga bulate sa tiyan ng mga bata sa buong bansa.

Batay sa datos, abot sa 2,068 na mga pupils mula sa 3,552 na mga mag-aaral nito o katumbas ng 83.50% ang napurga matapos na mapainum ng deworming tablet ng Department of Health sa Kabacan North District na binubuo ng siyam na eskwelahan at pinangunahan ni District Supervisor Adela Neyra.

Dating Business Development Assistant ng DXVL, pumanaw matapos atakehin sa puso

(Kabacan, North Cotabato/ July 30, 2015) ---Sumakabilang buhay na ang dating Business Development Assistant ng DXVL KOOL FM matapos na inatake sa puso.

Agad na isinugod sa Kabacan Polymedic Cooperative Hospital, Poblacion, Kabacan, Cotabato ng kanyang mga pamilya si Philip Andrew Garcia o mas kilala sa tawag na ‘Cadz’ ngunit tuluyan na itong namatay bandang alas 3:05 ngayong hapon lamang.

Si Philip Andrew Garcia ay pumanaw sa edad na 39-anyos dahil sa kumplikadong sakit na kanyang dinaramdam.

Ayon kay dating USM Prof. Flora May Garcia, ina nito na nakaramdam umano ng paninikip ng dibdib si ‘Cadz’ dahilan para kanilang isugod sa bahay pagamutan.

Mabahong amoy ng babuyan sa isang residential area sa Poblacion, Kabacan; inireklamo!

(Kabacan, North Cotabato/ July 29, 2015) ---Inireklamo ng ilang residente na kapitbahay ang umano’y mabahong babuyan sa isang residential area na nasa Ma. Clara St., Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Ayon sa reklamante na ayaw pagpakilala, ipinaabot nito sa DXVL ang nasabing reklamo sapagkat nakaka-perwisyo na umano sa kanila na mga kapitbahay ang mabahong amoy.

Security Guard na sinibak sa trabaho, ibinunyag ang katiwalian sa kanyang dating employer na Security Agency

(Kabacan, North Cotabato/ July 29, 2015) ---Matapos na maglabas ng sama ng loob sa DXVL News ang isang security guard ng Sugni Super Store Kabacan Branch sa pagkakatanggal nito sa trabaho.

Ibinunyag ni Rosalie Pareñas ang di magagandang gawain ng kanyang employer.

Una sa Security Agency na kanyang pinagtatrabahuan na halos sa kanilang mga kasamahan, kasama na siya ay walang lisensiya.

Cotabato 2nd District Representative Nancy Catamco handang harapin ang kasong isasampa sa kanya ng KARAPATAN-SMR

(North Cotabato/ July 28, 2015) ---Handang harapin ni Cotabato 2nd District Representative Nancy Catamco ang kasong isasampa laban sa kanya ng Karapatan- Southern Mindanao Region.

Ito ang naging reaksiyon ng mambabatas matapos lumabas ang ulat na kakasuhan umano ito ng nasabing grupo kaugnay ng marahas na pangyayari noong nakaraang linggo sa compound ng United Church of Christ in the Philippines o UCCP sa Davao City.

SONA 2015 FULL TEXT: Aquino's 6th State of the Nation Address

The 6th State of the Nation Address of President Benigno Aquino III
Below is the 6th State of the Nation Address (SONA) of President Benigno Aquino III on Monday, July 27.

Bago po ako magsimula, hihingi ako ng paumanhin, dahil hindi natin nagawa ang tradisyonal na processional walk. Hindi na rin po natin nakamayan ang lahat ng nag-abang. Medyo masama po kasi ang ating pakiramdam sa kasalukuyan.

Pamunuan ng Sugni Super Store, ipinaliwanag ang pagtanggal sa trabaho ng isa sa kanilang security guard

(Kabacan, North Cotabato/ July 28, 2015) ---Itinanggi ng pamunuan ng Sugni Super Store Kabacan Branch ang lahat ng alegasyon ni Rosalie Pareñas, ang gwardiya ng nasabing establisyemento na umanoy tinanggal sa trabaho dahil sa pagsumbong nito sa pulsiya na isa sa kanilang mga customer ay may iniwang granada sa baggage counter.

Ayon kay Lyndie Tantong ang Manager ng Sugni Superstore sa panayam ng DXVL News Team, puro kasinungalingan ang mga paratang ni Parreñas laban sa kanila.

Huling SONA ni Pangulong Aquino, sinalubong ng picket lane sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ July 28, 2015) ---Sinalubong ng ilang mga militante at progresibong grupo ng mga mag-aaral ang huling State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Aquino kahapon.

Nagsagawa ng pagkilos ang Liga ng Kabataang Moro, Anak Bayan, Lesbian Gay bi-sexual transgender at STAND USM sa harap ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao  upang ipanawagan ang ilang mga pambansang isyu na para sa kanila ay hindi natugunan ng administrasyong Aquino.

Negosya ng illegal na droga sa loob ng piitan, itinanggi ng BJMP-North Cotabato

(Amas, Kidapawan City/ July 26, 2015) ---Pinabulaanan ng Bureau of Jail Management and Penelogy o BJMP- North Cotabato ang report na nanggaling umano sa kanilang Jail Facility ang illegal na droga na nakumpiska mula sa isang suspected shabu pusher na nahuli  sa buy bust operation sa Kidapawan City noong huwebes.

Sinabi ni Jail Warden Jesus Singson, mahigpit nilang ipanapatupad ang inspeksyon sa mga bisita dahilan para imposible ang paglusot ng mga ilegal na droga sa loob ng pasilidad gayundin ang pagbili mula sa kanila.

Ayon kay Singson, dahil nga sa kanilang mahigpit na sistema sa loob kulungan ilang mga bisita na rin ang nahulihan ng shabu.

Mga Malaria Prone na Barangay sa bayan ng Kabacan, babahaginan ng Insecticide treated na kulambo

(Kabacan, North Cotabato/ July 28, 2015) ---Abot sa isang libung mga kulambo ang ibabahagi sa ilang mga barangay sa bayan ng Kabacan na sinasabing may mataas na kaso ng malaria.

Ito ang inihayag ni Sanitary Inspector Naga Sarip ng Rural Health Unit ng Kabacan.

Kabilang sa mga barangay na mabibigyan ng long lasting insecticide treated na mosquito nets ay ang Barangay Nangaan, Simone, Simbuhay at Tamped.

OPA Namahagi ng Dekalidad na Cacao Seedlings para sa mga Magsasaka

(Amas, Kidapawan City/ July 27, 2015) ---Bilang bahagi ng High Value Crops Development Program ng lalawigan ng Cotabato, namahagi kamakailan ang Office of the Provincial Agriculturist ng 20,000 dekalidad na UF 18 cacao seedlings para sa 19 na farmer beneficiaries mula sa mga bayan ng Aleosan, Midsayap, Libungan, Pigcawayan at Arakan.

Ito ay isinagawa matapos ang serye ng mga trainings on cacao production and management upang maging bihasa sa pagtatanim ng cacao ang mga magsasaka at upang lumawak pa ang lupaing natatamnan ng cacao sa lalawigan ng Cotabato, pahayag ni Romulo Pacres, ang Provincial Cacao Coordinator.