Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 pulis sa Kidapawan city, nagpositibo sa drug test

(Kidapawan City/ July 31, 2015) ---Dalawang pulis ang naiulat na nagpositibo sa isinagawang drug test sa mga miyembro ng Kidapawan City PNP.

Ito ayon kay Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista sa isinagawang press conference ngayong umaga sa AJ-Hi-time Kidapawan City.

Hindi muna pinangalanan ng alkalde ang dalawang pulis na ngayon ay patuloy na iniimbestigahan.

Una na ring pinasisibak sa kanyang pwesto ng pinuno ng city peace and order council (CPOC) ang isang pulis mataos magbigay ng pekeng urine sample para sa mandatory drug testing.

Ayon sa ulat, dalawang beses tumanggi si Police Officer 3 Ricky Santos na magbigay ng urine sample.

Hindi umano ikinatuwa ni Mayor Joseph Evangelista, chair ng city's inter-agency CPOC, ang pagmamatigas ni Santos na pinaniniwalaan niyang lulong sa shabu.

"Why would this policeman not agree to have himself tested for drugs? He must be a drug dependent," wika ni Evangelista.

Napilit din ng mga kapwa pulis si Santos na magbigay ng urine sample, ngunit lumabas sa resulta na patis ang kaniyang ipinasa.

Sa ngayon nasa 80 miyembro ng Kidapawan City Police ang sumailalim sa mandatory drug testing. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento