(Mlang, North Cotabato/ July 30,
2015) ---Inilibing na ng otoridad ang limang buwang fetus na nakita nakita ng
mga residente na palutang-lutang sa ilog sa Brgy Dugong, Mlang Cotabato
Sinabi ni PSI Jonameel Tonacao, hepe
ng Mlang PNP, halos kumpleto na ang bahagi ng katawan ng babaeng fetus nang
matagpuan ito.
Agad nilang inilibing ang nasabing
fetus sapagkat nasa state of decomposition na ito ng makita.
Hinala ng pulisya na posibleng
ipina-abort ang bata.
Dahil dito, iniimbestigahan na nila
ang mga residente sa palibot kung may nagdadalang tao na nagluwal ng sanggol
malapit sa ilog.
Sa ngayon nailibing na ang fetus sa
Mlang Public Cemetery.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento